ISA NA NAMANG BWISIT NA ARAW

frame2copyyx1

February 27, 2013 ~ 6:45 pm.

Pauwi na ko sa amin. Galing akong Sta. Mesa dahil gumawa kami ng Travelogue at Photowalk para sa IT subject namin. Malas ang araw na to saken dahil hindi nasuklian yung singkwenta ko sa SM Fairview na jeep. Badtrip. As in sobrang badtrip na pati yung mga tao sa loob ng jeep nakakabadtrip.

So ayun. Hindi ko na nakuha yung sukli ko. Bumaba na ako sa Tandang Sora, Commonwealth. Gusto ko sanang mag yosi kaso sa sobrang kabadtripan ko na, nagpasya ako na wag na lang at dumiretso na agad ng uwi.

Sumakay na ako ng jeep. Apat kaming pasahero. Sa front seat ako nakasakay tapos yung dalawang pasahero sa likod ay yung isang NEU student at isang matandang babae.

Unang bumaba yung NEU student. Sumunod na yung matandang babae. Hanggang sa ako na lang yung pasahero niya.

Ang bilis mag drive ni Kuya. Ewan ko kung bakit pero medyo nakaramdam at nakasense na ko na tumitingin siya saken. (Deputa talaga eh) Pero hinayaan ko na lang siya.

Hanggang sa kinausap niya na ako. Naka earphones pa naman ako at hindi ko ugali makipag-usap sa hindi ko kakilala. Pero puking ina ang kulit nung tukmol na yun kaya napilitan akong makipag-usap sa kanya.

MANONG DRIVER: Gusto mo hatid na kita sa inyo?

Nagsimula na kong kilabutan.

AKO: Hindi na po. Diyan na lang ako sa may kanto namin.

MANONG DRIVER: Nako okay lang! Hatid na kita! Saan ka ba banda?

AKO: Basta malapit sa guardhouse.

Sinubukan ko nang magtapang-tapangan ng boses. Buti na lang magaling ako mag poker face at magtago ng taranta.

Bigla niyang pinatay lahat ng ilaw sa jeep

at putangina talaga at kinakabahan na talaga ako.

MANONG DRIVER: May boypren ka ba?

Nag make-face ako. Nagpakita ako ng itsura na ‘nandidiri’ at ‘nakakatawa’

Pero ngumiti pa rin siya at naghihintay ng sagot. Leche talaga.

AKO: Ano kasi kuya e…

MANONG DRIVER: Kung wala ka pang boypren, liligawan kita! *insert sobrang napakaputanginang nakakakilabot na ngiti niya here*

Tumaas yung mga balahibo ko sa batok nung sinabi niya yun. Paras mas gugustuhin ko na lang makakita ng multo na pugot ang ulo kesa sagutin ang tanong nag mama na to.

Nakangiti lang siya saken. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Ang bilis pa niya mag-drive. Eh malapit na ko bababa.

MANONG DRIVER: Ano? Ligawan na kita ah?! Oh kung gusto mo tayo na ngayon eh.

Hindi ko na kinaya. Sobrang bwisit na talaga araw ko at pakshit siya dahil dinagdagan niya pa. Sobrang init na ng ulo ko at at malapit na kong makasapak ng tao.

Hanggang sa iba na ang mabulalas ko.

AKO: GAGO KUYA TIBO AKO HINDI TAYO TALO!

Nung sinabi ko yun, Napatitig siya saken at natahimik ng 3 seconds. Tapos bumagal yung pagtakbo ng jeep niya at binaba niya na lang ako sa kanto namin.

MANONG DRIVER: Ge bumaba ka na!

Nagulat ako dahil pinapaalis niya ako. Parang nagalit na ewan.

AKO: ok lamat po.

Bumaba na ko at dire-diretso naglakad. Humarurot ng mabilis ang jeep niya. Hindi ko na nagawang lumingon.

First time ko sa buhay ang maka-encounter ng ganyang pangyayari kaya habang naglalakad na ako sa subdivision namin, Doon na nag sink-in yung dapat kong naramdaman kanina: Inis, Kaba at Takot. Gusto kong maiyak dahil dun pero walang luha na lumalabas. Natameme na lang ako.

Pero naisip ko pa rin… Paano kung hindi ko sinabing “TIBO AKO?”

Pabababain kaya ako ng driver?

Makakauwi pa kaya ako nung gabing yun?

Putang ina non. Magkapigsa sana sa bayag yun.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s