NAHOLDAP (March 14, 2013 // Morayta Manila)

kutsilyo_by_arsitong

Kahapon, 9:00om na ko nakauwi ng bahay. Na stuck kasi ako sa may Morayta dahil walang masakyang FX, Jeep or Bus pa-SM Fairvew. At dahil sa paghihintay ng masakyan, 1 hour din akong nakatayo doon at nag-aabang.

Nagsimula ako mag-abang nung 6:00pm. Rush hour at talagang labasan na ng mga estudyante. As in grabe dahil punuan yung mga masasakyan pauwi. Habulan kung habulan. Unahan din kapag may biglang susulpot na bakanteng FX. Samantalang ako, Nakatayo lang sa isang tabi at pinagmamasdan lang yung mga taong nagkakagulo sa harap ko. Ayoko kasi makipagunahan. Hassle eh.

So ayun na. Nakatayo lang ako at nag-aabang pa bakasakali ng masasakyan. Dumidilim na din kasi at paunti na rin ng paunti yung mga tao. Hanggang sa maya-maya, parang gumagalaw yung zipper ng bag ko. (Jansport na bagpack)

Tapos nung titignan ko na sana yung bag ko, bigla na lang may isang lalake na sa likod ko at may parang tinutok siyang matulis sa tagiliran ng bewang ko. Tapos sabi niya saken,

“Wag kang gagalaw, ALAM MO NA TO.”

At dahil dun sa sinabi niya, Nasense kong.. Ninanakawan na pala ako. Sobrang nablangko yung isip ko nun at hindi talaga ako gumalaw kagaya ng sabi niya. Tapos naramdaman kong parang may kinalkal siya sa bag ko. Nakapagtataka dahil may mga tao pa naman nung time na yun pero bakit parang hindi nila alam nangyayari saken at parang hindi nila ako nakikita. Lahat busy sa pag-aabang na masasakyan, takbuhan, unahan. Samantalang ako, napako na lang ako sa kinatatayuan ko at hindi na ako makagalaw.

Nung napansin kong parang wala na yung lalaki sa likod ko, lumingon na ko at tinignan yung bag ko. Bukas yung zipper sa unahan.

Cellphone ko yung nakuha saken. Yung naghihingalo, gasgas at lowbat na cellphone ang nakuha niya. Nokia 5233. Yung Sentimental. Yung 4 years nang nasa aken. Pinakamatagal kong cp.

Gusto kong maiyak nun at maglumpasay sa daan kaso naisip ko na magmumukha lang akong gaga kaya napailing na lang ako at halos lumuha. Nagmumumura na ko ng malakas sa isip ko na halos gusto ko makasaksak ng tao, I mean, gusto ko saksakin yung nagnakaw ng cellphone ko dahil putang ina niya talaga.

Anyway, cellphone ko nga ang nakuha pero EPIC! Dahil ang tang ina niya buti na lang HINDI NIYA NAKUHA YUNG IPOD TOUCH KO. NAKABAON KASI SA ILALIM NA PART NG BAG KO KAYA HINDI NIYA SIGURO NAKALKAL NG TODO. Pero siguro pag iPod touch ko yung nakuha, talagang nag nga-ngawa ngawa na ko non at talagang iiyak na ko na magwawala ng bongga hanggang ngayon.

Sobrang badtrip talaga nangyari. Pero narealize ko na ayos na rin na cellphone lang mawala saken. Tutal, tamad naman ako magtext at hindi ko na rin masyado ginagamit. Ang hindi ko lang matanggap, yung mga memories at conversation namin ni Z*** dun 😦  So talagang wala na kong babasahin na mga alaala at talagang limot na LAHAT.

Well anyway, bulok naman ang cellphone na yun. Kahit bilhan pa ng magna yun ng bagong charger, hindi na yun magcha-charge. Kaya bahala siya hahaha! Walang kwenta pa nung nanakaw niya kasi lowbat yun nung ninakaw at matagal mabuksan yung pag nalowbat.

So ayun guys. Nagulat din mga kaibigan ko nung nalaman nilang ganun nangyari saken. Dapat daw, sasabay na lang ako sa kanila pag-uwi at hindi na muna kami magpapagabi. [eh sila nga dahilan e kung bat ako ginabi haha]

Kaya Ingat ingat na lang tayo ah! Lalo na sa mga kapwa ko nag-aaral sa U-BELT. Kapag gabi ang uwian, maging alisto sa paligid.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s