EXPLORING MANILA 2014

Hi guys! Dahil buong araw ako wala kahapon, Ang dami kong kwento! =))

6:30 ng umaga ako gumising. Inasikaso na namin kasi yung group project sa midterms namin which is, kailangan namin pumunta sa dalawang tabloid office para mag interview. Nung una, Sa Bulgar lang dapat kami pupunta (Sa may malapit sa Sto. Domingo) hanggang sa nagkaroon kami ng Plan B na pumunta na lang sa Port Area ng Manila dahil dun daw talaga yung mga hilera ng tabloid at broadsheet offices (Like Phil. Star, Inquirer, Remate, Abante, etc.)

At dahil sa unexpected ang lakad papuntang Maynila, Dun na nagsimula yung pagiging bankrupt ko! XD First time ko magipit kasi nga hindi ako nagdala ng extra money. Pamasahe lang talaga dala ko non dahil akala ko hanggang Sto. Domingo lang naman ang pupuntahan. Tapos ayun nga! Nakaabot kami sa Maynila! Nung nakarating kami sa Port Area, Medyo nakakakaba yung lugar kasi nga yung mga tao dun… lahat nakatingin samin. As in shet! Naglalakad kami at naghahanap ng tabloid office tapos yung mga mata nila, ang tatalim ng tingin! Pero buti na lang safe naman kaming nakadaan sa lugar na yon at napadpad kami sa tabloid office ng Saksi at Bomba. Kaso nga lang yung nahanap naming maka-interview eh mga 8 pm pa ng gabi available.

Dapat talaga mag uuwian na kami pero sabi nga, sakripisyo na lang alang alang sa grades namin. Kaya ayun! 12:30 kami nakarating sa tabloid office, So bali may 8 hours pa kami na pwedeng sayagin! =))) Kaya para makaubos kami ng oras, Nag walkathon kami.

Sa totoo lang ito na ata yung unexpected gala namin na malupit! Akalain niyo yun! Nilakad namin mula Port area, papuntang Luneta tapos hanggang baywalk! Sobrang layo talaga jusko! Di ko nga aakalain na makakalakad ako ng ganun kalayo dahil tamad pa naman akong tao. Tapos nagkanda-ligaw ligaw pa kami kasi nakalimutan namin yung way papuntang baywalk, kaya ayun naligaw kami sa Ocean Adventure haha! At dahil diyan, lakad na naman ng napakahaba ng pabalik. Pero ayos na rin dahil sobrang laughtrip na kami sa isa’t isa tyaka kami kami na lang din gumagawa ng sariling kabaliwan at kasiyahan namin habang naglalakad.

Nung nakarating kami ng baywalk, Sobrang nagtatatalon kami papunta sa dagat (low tide naman kasi kaya bumaba talaga kami) at ayun! Picture-picture na nangyari dahil sa ang ganda ng sunset! Tyaka, basta! Extraordinary! Yun yung favorite moment na nangyari samin! Yung masaksihan naming magkakaibigan yung sunset at nakapagpapicture pa.

Tumambay kami sa baywalk ng mga 1 hour and 30 minutes. Gutom na gutom na kami! Ang dami naming nakikitang pagkain pero hindi makabili dahil nga sa short na mga pera namin. Kaya buti na lang!!!!! Si Kuya Aby may dalang exra money kaya nilibre niya kami ng Balut, Penoy, Chicharon, Kikiam at Squid balls habang tumatambay sa baywalk. Kumbaga para na lang kaming nag-foodtrip at nag interview ng mga nagbebenta balut at kikiam dun! \m/
After tumambay, lumakad na kami pabalik sa Port Area. Salamat ng napakarami sa Tabloid office ng Saksi at Bomba dahil na-interview na din namin sila sa wakas at nasaksihan pa namin kung paano nila-layout at pini-print yung mga tabloid nila. Sobrang namangha ako actually dahil minsan ko na ring pinangarap na magkaroon ng printing shop/publishing house balang araw ;)So ayun ang kwento hahahaha! Yung mga photospam at pictures namin sa Luneta at Baywalk, Sa tumblr ko na pinost 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s