MR. ROGELIO ORDOÑEZ (Exclusive Interview)

Rogelio Lunasco Ordoñez – A multi-awarded Filipino fiction writer and journalist. He is one of the authors of the iconic Tagalog literature anthology “Mga Agos sa Disyerto” in the 1960s. He has been a contributor to Liwayway Magazine, Pilipino Free Press, Asia-Philippines Leader, Pilosopong Tasyo, Diario Uno and Pinoy Weekly.

 

Siya na ata ang nakilala ko na maastig at maangas na filipino writer. Hindi man siya yung tipong mahilig sa romansa at pag-ibig, siya naman yung tipong manunulat na nagbibigay halaga at pansin sa tunay na realidad ng ating bansa. Siya rin yung tipong manunulat na hindi sumusulat para lang magpa-impress sa mga mambabasa. Siya ang tipong manunulat na totoo at magaling maglahad ng kanyang pananaw at mga kaalaman.

Basta! Sobrang astig niya talaga nung nakausap namin siya! Gustong gusto ko nga yung personality niya sa totoo lang. Tapos nakakabilib pa yung mga binahagi niya samin tungkol sa larangan ng pagsusulat. Kumbaga yung mga obra na sinusulat/sinasabi niya, napakalalim! Pero sobra ang nilalaman at pitik sa pagkatao mo pag mababasa mo.

At yung dabest? Kahit matanda na siya, Ang galing niya mag joke! Kung tutuusin nga parang hindi interview yung ginawa namin eh! Parang usapang pang-tropa lang yung nangyari! As in parang teenager lang yung ini-interview namin =)))

Dahil sa kanya, Marami kaming nalaman kung ano pa ang meron sa nangyayari sa realidad ng buhay natin sa panahon ngayon (Lalo na sa gobyerno natin! Bwahahaha yaz). At marami na naman akong natutunan na maari kong ma-apply sa sarili kong pagkatao. Lalong lalo na sa sinabi niya tungkol sa kanyang relihiyon.

Sinamahan pa nga niya kami sa Center for Creative Writing room sa PUP dahil dun nakaipon yung mga anthology niya. At talaga namang, Nakakamangha yung mga obra niya.
Ito yung transcribed interview namin sa kanya 🙂
1. Kailan po kayo nag-umpisang magsulat?
–  Matagal na… Di pa nga ata ako circumsized non eh! Highschool ako non, mga short story na nailabas ko when I was in 4th year highschool. Nagsusulat na talaga ako non sa school paper namin sa Imus, Cavite.

2. Pag nagsusulat po ba kayo kailangan may mga ritual or mood setter kayo? Like umiinom po muna ng alak bago magsulat, or nag e-exercise… Ganun po ba kayo?
– Pag nababaliw ako, Yun! Nagsusulat ako.

3. Emotional po ba kayo pag nagsusulat?
– Hindi naman… Hindi naman kasi ako naniniwala sa sinasabi nila na kelangan ng ‘Inspiration’ pag magsusulat. Ang writing kasi, 99% perspiration. 1% lang yung inspiration. Talagang you should go. You should concentrate if you really want to write. Yan na yung kapag nakakalimutan mo na ang oras, nakakalimutan mo nang kumain, para lang dun sa sinusulat mo.

4. Meron po ba kayong inspirasyon pag nagsusulat?
– I don’t believe in inspiration eh. Even in love. Actually, I never did say to a woman that I love her. Pero in my mind, I really love her. What I mean is, pag sinabi mo kasi na  “I love her”, parang binobola mo lang yung babae eh. Minsan nga it takes years before you can prove if you love the woman or not.  Pero yung tipong 2 weeks lang kayo nagkakilala tapos ‘I love you’ na agad?? ULUL!

Tyaka sabi ko nga, what is the use of writing? Kung sinasatisfy mo lang yung sarili mo? I believe that the writer has a social responsibilty to his a country and society. Siguro yung cannon ko sa pagsusulat is kung nabasa niyo yung post ko sa aking webite which is “Tungkulin ng manunulat.” Yun yung aking paniniwala para sating lipunan.

5. San madalas nafo-focus yung mga editorials at writings niyo?
More focus ako sa realities ng society. Pag nagsusulat kasi ako ng editorial, parati kong laging tanong is, “Totoo ba yung sinusulat ko?”, “Ito ba yung paniniwala ko?”, “Paninindigan ko ba to?”. Kung di ako naniniwala sa isusulat ko, anong karapatan ko para ipabasa ko sa iba yan? Edi niloloko ko lang tong sarili ko. Kung mambobola lang ako sa sinusulat ko, eh wag na lang magsulat.

6. Nakapag research po kami, graduate po kayo ng course na Engineering?
– Oo, Civil Engineering na nauwi sa Evil Gingineering. Dati kasi ang ambisyon ko noon ay Medicine. Eh hindi kinaya, kaya nauwi ako sa civil engineering.  Pero kinalimutan ko na yang civil eng na yan.

7. After niyo po ng Civil Engineering, saan na po kayo dumiretso?
– I was hired by the Philippine’s Free Press. Kasi nag co-contribute na ko sa kanila ng articles ko non. Pag graduate ko, kinuha nila ako. Akala nila magaling ako eh hindi naman. *laughs*

– Nung sa Liwayway naman, tumigil ako magsulat kasi gusto ng liwayway noon, mga love story, puro maganda ang buhay. Pag panget na yung portrayal mo ng buhay, ayaw na nila. Eh hindi naman ganon ang buhay eh! Siguro kahit buhay naman natin hindi naman maganda diba?

8. Paano po ba kayo nabago ng iyong writing career? 
– Nagsimula talaga ako nung highschool pa eh. Para bang unggoy na kumapit na balikat mo na hindi mo na maitapon. Up to now! I’m still writing kahit gurang na ko.

– Naalala ko nga noon eh nung naglabas ako ng isa kong libro, yung hindi nila mailabas sa bookstore, kasi ang title…… ewan ko ba kung bakit nasasagwaan sila! Yung title kasi ng anthology na dito ni-launch sa PUP is, ‘YHO Y YHA DE PUTA: At iba pang mga tula’. Aba! Hindi nila mai-display sa bookstore! Because of just the word ‘PUTA’ masama na? Bakit kako pag nababasa nila, masama? Pag naririnig, malaswa? Tapos pag ginagawa na, HINDI? [*sobrang epic talaga ng sagot na to hahaha*] Ang nagpapasama lang naman kasi eh yung utak natin eh.

9. Lahat po ba ng natutunan niyo na-apply niyo po sa pagsusulat?
– Ako lagi, estudyante ako ng buhay. Nag o-obserba ako ng buhay. Yung karaniwang buhay, yung mga ordinaryong tao. Nandun kasi ang tunay na buhay eh. Wala yan sa upperclass. Yung upperclass, artificial ang mga buhay niyan. Especially the movie people! Puro peke yan. You cannot see through life in that lies. Hindi mo makikita ang totoong tao sa kanila. Pero pag ordinaryong manggagawa, ordinaryong magsasaka, ordinaryong tao sa kalye, talagang makikita mo ang tunay na tao. Minsan nga paglabas mo ng bahay, hindi na ikaw yung talagang ikaw.

10. Ano po masasabi niyo sa media industry ngayon?
– Puro kahangalan. Iduduyan sa ilusyon ng mga manonood. Yung alternative media na sinasabi niyo, saglit lang yan nabubuhay. Katulad sa Pinoy Weekly. Tumagal lang kami mga 5 or 6 years. Tapos ngayon, online na lang.

11. Kayo po ba mismo nag-eencode ng mga writings niyo sa online accounts niyo?
– Oo naman nakikisabay din ako sa uso. Wala ngang nagturo sakin kung paano gumamit ng computer eh. Talagang self-study ako. Nag e-encode ako, nag u-upload ako, nag e-email ako, Nagfa-facebook ako, kasi as long as you are living, you should keep on improving, you should keep on learning. Kasi kung hindi, para kang estero! Stagnant na yung tubig, namaho ka na dahil hindi ka umaagos. Kaso yung iba, ayaw maniwala na ako talaga ang nagsusulat sa account ko. Akala nila may nagme-maintain sa website ko.

12. Paano niyo po masasabi na ‘effective’ sa masa ang isang writer?
– I don’t want to judge other writers. Mas mabuti na yung basahin mo yung sinusulat nila and judge for yourself.

13. Paano niyo po masasabi na ang isang journalist ay lagpas na sa kanyang limitasyon?
– Kung naninira ka lang kaya ka sumusulat, that is bad journalism. You will accused someone without any evidence to support the allegations, that is a bad journalism. Ang training sa journalism, before you accuse someone, dapat may hawak ka nang ibidensya to support your accusation. Eh kung wala, magiging ‘hear-and-say’ lang yan! Magiging chismoso lang labas mo.

14. Puro ‘politics’ po focus ng mga writings niyo. Pero kung bibigyan po kayo ng ibang topic para magsulat, Ano po yun?
– May mga topic din ako about religion.  Minsan nga galit na sakin ang simbahan.

15. Ano po ba ang religion niyo?
– Religion is the way I live.

16. So sir, you’re an atheist?
–  No. Yung atheist naman kasi, It doesn’t completely believe in the existence of god. Siguro about me, I’m an agnostic. Still searching for my own god. Pasensya na kayo sira ulo ako ah? *laughs*
– [KAMI] Okay lang po yun naiintindihan namin! Mga sira-ulo din po kami =))

– Ako kasi, I don’t know how to pretend. Kumbaga, minsan na nga lang ako dadaan sa pagiging hayop na buhay na to, magkukunwari pa ba ako? Kung ayaw nila, edi tapos! I’m not forcing them to like me.

17. Kung magsusulat po kayo ng article about sa isang politician, magiging tungkol saan po yun?
– Well, maybe about his plans for the country, Kaso pare-pareho na natin narinig yan sa kanila eh! Ano pang bago? Try niyong i-check sa website ko yung poem ko doon. Yung title, ‘Ang SONA ng noon at ngayon: Sa republika ng mamon’

18. Ano po yung articles na ni-regret niyong gawin?
– Siguro yung sinulat ko nung highschool ako. Pag nakikita ko yun gusto kong sunugin talaga eh. Yung nasasabi nila dun na, “Putang ina mo roel ganyan ka ba noon?” Ang corny nga ng title eh. “May puwang ang landas ng puso.” Grabe sobrang corny! =)) Pero talagang dadaan naman sa mga ganyan ang mga writers eh. Pag nabago na yung pananaw mo, yun.

– Minsan mas maganda na yung nakilala kang ‘ULUL’ kesa sa banal ka, Pag gumawa ka kasi ng konting masama, Masama ka na talaga. Pero pag ulul ka, pag nakagawa ng konting mabuti, masasabihan ka, “Ang bait ni Ordoñez ngayon ah?”  (so much win)

19. Last, Ano pong maibibigay niyong advice sa amin na nag-aaral pa sa larangan ng pagsulat at sa iba rin na mahilig magsulat?
–  Magkaroon muna kayo ng matibay na paniniwala. Kaya kayo nagsusulat eh para sa kamulatan at kapakinabangan ng nakararaming mambabasa.

– – – – – – – – – – – – – –

Sir Rogelio! Maraming salamat po sa inyo! Isang karangalan po samin ang makita at makausap kayo ng personal. Marami po kaming nakuhang aral at mga natutunan sa pamamahagi ng inyong kaalaman sa larangan ng pagsulat na kailanman ay hindi namin malilimutan. More power po sa inyo sir!
 
🙂
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s