BALER ESCAPADE 2014

image

Isa talaga to sa pinakamagandang nangyari ngayong 2014 – Ang makadayo sa central luzon, sa lugar ng Aurora, Baler. Sobrang enjoy yung bakasyon naming magbabarkada dito! At sobrang pasalamat namin kay Ate Jeng dahil bukal sa loob niya na tumuloy munasa bahay nila doon kahit alam niyang magugulo at maiingay kaming kasama. First time ko din kasing bumiyahe ng napakalayo na kasama ang mga barkada ko. Ang sarap sa feeling dahil sa tatlong araw namin doon, parang natuto din ako maging independent at makibagay sa isang lugar na wala akong kaalam-alam. Nung nandun nga ako, naisip ko ngang: Huwag ng bumalik ng Maynila. Hahaha lol

image

Ang selfie sa taas ay kinuhanan nung nakarating at nakababa na kami sa bus terminal ng Baler, Aurora.

— — — — — — — — — —

So ito na. Hindi ko na maike-kwento lahat pero iisa-isahin ko na yung mga pinuntahan naming lugar

Una naming pinuntahan yung Sabang Beach. Malapit lang kasi sa bahay nila Ate Jeng yun at pwede lang namin lakarin. 15 minutes pag lalakarin at 5 minutes kung mag ta-tricycle. Grabe! Sobrang ganda! First time ko makasaksi ng mga nagsu-surfing at tinuruan din kami kung paano to gawin. Malalaki at medyo nakakatakot yung mga alon dun pero hindi yun hadlang para tumakbo ako sa dagat at magtampisaw na parang bata. Mukha nga akong timang dahil enjoy na enjoy ako sa malalaking alon =)))

image

image

— — — — — — — — — —

Pangalawa, Museo De Baler. Libre lang yung entrance kaya syempre pumasok na din kami. Puro picture picture lang ginawa namin at kwento ng mga history dun. Pagkatapos libutin yung museum, tumambay kami sa labas para mag foodtrip ng ice cream at isaw.

image

image

— — — — — — — — — —

Pangatlo, Ermita Hill. Masasabi kong, parang hindi Pilipinas ang lugar na to  pagkarating ka sa taas nun. Doon mo makikita ang kagandahan ng baler! Yung view dun, parang maihahalintulad ko sa Hawaii. Sobrang breathtaking at picturesque!

image

image

— — — — — — — — — —

Pang-apat, Baler Fishport. Nakakamangha dahil fishport na pala yun sa lagay na yun. Hindi kagaya ng mga fishport dito sa Maynila, yung Fishport dun… grabe sobrang linis at sobrang linaw ng tubig! Parang swimming pool lang sa sobrang asul ng kulay! Pinipigilan ko nga yung sarili ko na tumalon don dahil nakakaaya talaga yung ganda ng tubig! Haha. Tapos napakaganda pa nung araw na yun dahil parang abot lang namin yung mga ulap dun.

image

image

— — — — — — — — — —

Pang-apat, Ditumabo Falls / Mother Falls. Puta! Sorry for the word pero tang ina talaga dito hahahaha! Eto yung hindi ko malilimutan! As in deputa talaga! Para kong pasan ang daigdig habang binabagtas namin ang daan papunta dun. Naka-tricycle naman kami nung pumunta dun kaso nung sa kalagitnaan na, tumirik yung tricycle. Lubak lubak kasi yung daan at sobrang mabato. Tapos overload pa kami at ang dami pa naming dalang gamit. At dahil diyan, shet talaga bumaba na lang kami at naglakad ng trenta minutos marating lang yung entrance ng Mother falls. Kakaiyak sobra dahil sumakto pa na tirik na tirik ang init ng araw. Kaya na lang nag-stop over na lang muna kami sa nadaanan naming tindahan para uminom ng buko.

image

image

Nung mararating namin yung entrance, akala namin andun na yung mismong Mother Falls. Pero pakshet hindi pa pala! Maglalakad pa daw ng 30-40 minutes! :((( Ang sarap bumigay nung araw na yon dahil sa pagod na ko at parang titirik na yung mga mata ko. Pero syempre kinaya ko dahil nakakahiya naman sa mga kasama ko dahil ang lalakas pa nila tignan kahit galing sa paglalakad ng malayo. Kaya ayun, tiniis ulit namin ang init ng araw at halos madulas dulas na ako nun habang dumadaan kami sa malalamig na batis na may mga malalaking bato. Hindi ko aakalain na trekking na pala ang ginagawa ko. As in grabe! Hindi ko talaga inakala na makakayanan kong maglakad ng halos dalawang oras doon. Dapat hinimatay na ko non pero nakapagtataka lang dahil hindi yun nangyari (haha lol).

image

image

Akala ko talaga walang hanggan na ang paglalakad namin. Pero ayun! Sobrang worth it pala yung mahabang paglalakad! Nung narating namin ang falls, lahat kami naghiyawan papunta dun. Kumbaga kapag nakita mo yung falls, yun na yung hudyat para bawiin yung pagod na nilakad mo para marating lang to. Ang ganda at sobrang refreshing ng tubig dahil malinis at malamig. Sa tantya ko nga eh pwede ka na makapag-palamig ng softdrinks-in-can dun dahil sa lamig ng tubig.

image

image

Mahigit isang oras din kaming naligo at nag enjoy. Hindi na kami nagtagal pa dahil palamig ng palamig lalo yung tubig baka magka hypothermia na kami hahaha joke. Basta lumalamig siya lalo parang nagiging tinunaw na yelo sa pakiramdam. Kaya ayun, Umalis na kami at lumakad kami pabalik. Kung tutuusin, mas nadalian pa nga ko sa pabalik kesa sa papunta! Ang imba talaga hahaha. Nung nakabalik na kami sa may entrance kung saan naka-park yung tricycle namin, Doon na kami nag start ng aming chibugan! At nakakatuwa dahil first time ko maranasan ang boodle fight 😉

image

image

After kumain: Hindi ko din aakalain na makakahugas kami ng kamay sa Kanal. Opo, Kanal!!! Ang linis ng kanal nila dun tang ina. Sayang wala akong nakuhanan na photo pero promise! Kanal pala yun, tubig yun galing sa falls na dumadaloy papunta sa mga pananim dun pero kanal ng tawag. Kakaloka! Napakaganda at napakalinis na kanal. Pwede pa ngang maligo don, dahil naligo yung tricycle driver namin dun. lol

— — — — — — — — — —

Last namin na pinuntahan, Hanging Bridge! Letche talaga dahil naging gayshit ako dito! Okay naman sana eh kaso tang mukhang marupok na yung mga bakal at kahoy nung tulay dun kaya nakakatakot. Tapos kulang kulang pa yung tapakan at butas butas yung sa ilalim kaya kung malalaglag man, talagang sure na lusot buong katawan diretso sa ilog. Dito din ako masyadong napagod kakasigaw at kakamura habang nangangatog na nakahawak sa magkabilang hawakan nun XD Pero infairness, na-enjoy ko naman siya. Dalawang beses kami nagpabalik-balik para may thrill. Naghihintay kami kung sino mahuhulog diretso sa dagat dahil ang gugulo at ang kukulit namin pero buti naman, wala sa min may nangyaring ganun

image

image

— — — — — — — — — —

Nung last day na namin sa Baler, nagdecide kaming mag star gazing, mag bonfire, mag reminisce, mag kwentuhan at tumambay sa tabing dagat. Inuman na rin ang nangyari. Oo nga pala, nang dahil sa Bacardi, nagkaroon kami ng open forum sa isa’t isa. Yung tipong naglabasan na kami lahat ng sama ng loob namin at yung mga hindi namin pagkakaunawaan sa room. Nung una, napakagulo. Pero in the end, nagawa naman namin tong ayusin. At ang masaya, parang yung open forum namin ang naging way para mas lalo pa kaming maging malalapit sa isa’t isa at mabawasan ang kung ano mang gap ng bawat isa sa amin.

image

image

image

— — — — — — — — — —

Nung pauwi na kami sa Manila, nilakad lang namin mula sa bahay nila Ate Jeng yung papuntang terminal ng Bus. Hinatid kami nila Ate Jeng at ng Mama niya. At habang naglalakad kami sa daan, bigla na lang may nagpakita na shooting star! Ang cool lang sa feeling na nakawitness ng ganung rare moment. Effortless makakita ng shooting star doon! Tyaka limang shooting star ang nagpakita sa amin.

— — — — — — — — — —

Ang gulo at hindi buo ang kwento ko hahaha pero basta! Talagang nag-enjoy ako dahil napakaganda talaga ng lugar doon. Comedy, Thrill at Happiness ang masasabi ko sa bakasyon na to. Sulit na, worth it pa. ♥  Kung mauulit man to, sisiguruhin ko na marami na kong pera at makapagpapaalam na ko ng maayos kila ermat! yung pawang katotohanan na yung paalam ko, hindi na puro ‘seminar’ lang hahahahaha wooooooo ‘seminar’ pa =))

image

For other set of photos, visit: x

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s