TINGLOY ISLAND 2017

Just want to share my second vitamin sea of the year and one of the alluring  beaches i’ve visited in Batangas! Actually di ako masyado nag expect dito dahil public beach tong Masasa pero somehow, it exceeds my expectations.

Ni-blog ko na din dahil marami nang nagtatanong ng info about dito sa Masasa beach. So guys ito na, kung magtiya-tiyaga man kayo basahin, read niyo na lang below.

Special thanks pala kila Jofanny and Syrel sa pagsama sakin kahit biglaang desisyon lang tong pagpunta namin dito XD

TINGLOY ISLAND, MASASA BEACH, BATANGAS

HOW TO GET THERE?

  • From Cubao, ride a bus of your choice – Jam Liner, DLTB Co. or ALPS – bound to Batangas Grand Terminal. In our case, we chose ALPS  (Php140)
  • After arriving in Grand Terminal, ride a jeep bound to Anilao port (Php30)
  • When arrived at Anilao port, you’ll register on the blue tent and will pay for the environmental fee of Php30.
  • Boat fee to Tingloy island is Php80.

Our contact person advised us to buy raw foods before crossing the island. So may palengke na po doon sa Anilao port, dun na kayo makakapamili ng mga kakailanganin niyo bago sumakay ng bangka papuntang Tingloy.

So our journey begins! Yieeeeeeeeeeeeee

IMG_7906IMG_1315

Boat ride will take about 45 mins to 1 hour, depende sa lakas ng alon. Yung amin, almost 1 hour na yung biyahe dahil malakas alon pero ang sayaaaa mwahaha

IMG_1290

Arrived at Tingloy Port

IMG_8074

IMG_8044

Upon arriving at Tingloy, we rode a tricycle to Masasa / direct to Ate Elvie’s house for Php35/person. Tricycle ride will take around 10-15 minutes

Yung tricycle ride namin medyo ma-thrill dahil may pataas at may pababa at sobrang matarik pababa wahaha pero grabeng ganda! Yung kahit tricycle ride pa lang pero nakakamangha na yung lugar

IMG_8082

IMG_8077

IMG_8083

Arrived at Ate Elvie’s transient house!!!! Mga 3-5 minutes walk pa po yung bahay ni Ate Elvie papunta sa Masasa beach pero beachfront po yung kanto ng bahay niya.

Pwede din kayo magpahatid ng bangka papunta sa beach, libre lang. Pero pag magpapasundo na, hanggang 5pm lang pwede so kung mag sstay kayo sa beach na medyo late na, maglalakad na lang kayo pauwe. Well, malapit lang naman wahaha,

IMG_8085

Ate Elvie’s homestay costs php250/night. Inclusive of two bedrooms, dirty kitchen, CR na unlimited banlaw sa kanilang cutie na poso, ihawan, lutuan, mga gamit like baso, pinggan, kutsara, tinidor, basta homestay na talaga, libre gamitin dun. Bali pagkain na lang kulang.

Sayang lang dahil hindi ko na napicture-an yung buong bahay ni Ate Elvie. Kung gusto niyo po makita all around na itsura, click here | here | and here  (courtesy of Roadtrip101)

IMG_8369IMG_8398

Pwede ding magpaluto kay Ate Elvie at magpasaing. Basta sabihan niyo lang siya. Sobrang bait ni Ate Elvie dahil maasikaso at maalaga. Di ko na napicture-an yung mga ganap non dahil lahat kami nagpe-prepare pero kung gusto niyo din po makita yung lutuan, click also here 

ACTIVITES

  • Kung gusto niyo mag island hopping, meron din sila. Php300 per person, bali dalawang island na siya which is Sepoc Island and Sombrero Island. (Hindi na kami nakapag island hopping dahil tinanghali kami ng dating haha lols)
  • Snorkel-ling for only Php100
  • Trekking at Mt. Mag asawang bato (Di na rin namin natry to dahil ayaw na namin umakyat ng bundok / mag trek. Nadala kami sa nangyari samin nung Hulugan Falls haha pero gora pa din kayo kung gusto niyo mag trek syempre)
  • Chill sa beach, socials, kwentuhan, stargazing sa gabi 🙂

After ng lunch, pumunta na kami ng mismong beach! So bali ayun nga, nagpahatid kami ng bangka for free! Wooooo grabeng ganda ng tubig! Ang linaw!

IMG_1241IMG_1240

IMG_8519

MASASA BEACH

Grabeng linaw ng tubig sobra! Tapos ang ganda talaga haha! Buti na lang weekdays daw kami pumunta sabi ni kuyang bangkero kasi kung weekends daw, sobra sobrang dami ng tao.

IMG_0774Processed with VSCO with c7 preset

Okay naman na sana kaso ayun, sobrang ineeet!! Ni hindi kami nakapagsunblock o kaya nagdala ng payong kaya ayun, tumambay na lang muna kami sa may lilim kung saan may mga coconuts tapos maya maya, punta kami ng lagoon.

IMG_8681

Processed with VSCO with c7 presetIMG_8692

After ng konting pahinga, tiis tiis ulit at naglakad papuntang lagoon. Narinig ata ng langit dalangin namin kaya nung mga time na to, medyo kumulimlim. XD

IMG_8669

IMG_8704
Yung friend kong naiyak sa init haha charot

Ito na yung daanan papunta ng Lagoon. Medyo creepy pero sabi naman ng mga nakasalubong namin dun, wala naman mangyayari samin XD Diretsuhin lang at sundin lang yung daanan.

IMG_8781

IMG_8749

IMG_8772

THE LAGOON

Bago pumunta sa mismong lagoon, nagpahinga muna kami sa mga bato bato doon. Appreciate ng dagat at alon 🌊✨

IMG_8898

IMG_9139

IMG_8931

IMG_8786

And guys! Natagpuan na namin si Tamatoa!!! 😂😂😂🦀

IMG_9188Processed with VSCO with c7 preset

After ma-sight si Tamatoa, diretso na kami ng Lagoon. Syempre, picture picture nangyari XD

IMG_92484IMG_9205IMG_9259IMG_9201as

After ng picture picture at tambay sa lagoon, bumalik na ulit kami papuntang beach para mag snorkeling. Pinaka struggle moments namin to hahahahahahahaha judge niyo na lang sa mga pictures sa baba 😂😂😂

IMG_1464IMG_1460

IMG_9762IMG_9765

Dalawa lang kami ni Jof nag snorkeling dahil ayaw ni Syrel makita yung mga corals wahahahahaha so bali parang naging lookout namin si Syrel. Yung kapag feeling namin natataggal na lifejacket namin or kelangan ng backup, ready to rescue siya XD

IMG_9790

Kaso ayun lang, pag may nakita o biglang naramdaman siyang nilalang sa may ilalim, bigla na lang nagpapanic hahahaha laughtrip si kuyang bangkero samin 😂😂😂

IMG_9791

Anyway, sobra ako napagod sa snorkeling realtalk lang pero sulit siya! Nakita pa namin yung mga pawikan dun tyaka kung ano mang nakita kong mahabang butas butas na may galamay! XD Medyo natakot ako nun pero astig at the same time wahahah

IMG_9786IMG_9783IMG_9787

After snorkeling, bumalik kami ng beach kaso sabi nga ni Ate Elvie, hanggang 5pm lang ang pahatid pabalik. Kaya ayun, balik nalang kami sa bahay ni ate elvie at naisipan na lang libutin ang island kinabukasan ng umaga.

P.S. Si Syrel na po yung nagdrive ng bangka namin! Haha tinuruan ni kuyang bangkero \m/

IMG_9905IMG_9911

After the long day, naligo na kami at nag-ayos para magprepare ng ulam namin. Sayang lang dahil hindi na kami nakapagfocus manood ng sunset pero ayos lang din dahil tanaw naman siya sa bahay ni Ate Elvie

After dinner, we proceed to the beachfront near Ate Elvie’s house and in that moment, I swear, we’re infinite… haha chos! Nag stargazing kami at grabeng daming stars!!

IMG_1534

The next morning, sinulit na lang namin yung paglibot at pagtambay sa beach. Hindi na kami nagpahatid ng bangka, bali naglakad na lang kami papuntang beach. Dapat 3-5mins walk lang siya eh dahil ang dami naming nakikitang instagrammable view bawat lakad, naging 30 mins walk siya XD

Processed with VSCO with c7 presetIMG_1565IMG_0287IMG_0151IMG_0158

IMG_1591IMG_1580

5IMG_0805

Last moments in Masasa

IMG_0800IMG_0829IMG_1698IMG_1673IMG_1691IMG_1655IMG_1206IMG_0892

Grabeng linaw ng tubig talaga ✨🌊

IMG_0929Processed with VSCO with c7 presetProcessed with VSCO with c7 preset

Kapag pauwi naman po, last trip ng boat ride from Tingloy to Anilao Port is 1:30PM. So bali dapat mga 12:30PM naka pack-up na kayo at ready na pabalik. Mas better din kung maaga kayo babalik dahil naalis ang bangka once mapuno na ng pasahero.

REMINDERS AND NOTES :

  • May mga part ng beach na madumi at puro basura. Oo nga public beach pero medyo nakakalungkot lang din isipin yung mga ginagawa ng ibang campers na pagkakalat. Kaya sana kung pupunta man tayo, maging responsable tayo sa mga lugar na binibista natin. “LNT” practice dapat. LEAVE NO TRACE
  • Mababait mga tao sa Tingloy. Halos ata ng mga nakakasalubong namin dun eh ngingitian at binabati kami. May one time nga na binati ako na parang long lost tropa ko siya pero di ko naman kilala haha laughtrip
  • Maging mabait sa ibang beachers. Di lang naman ikaw tao sa mundo XD
  • Wala pong electricity sa beach pero sa mga transient houses po meron. Yung kay Ate Elvie naman, meron silang solar generator kaya no worries pag nawalan ng supply ng kuryente. 12pm to 12midnight lang may kuryente.
  • Regarding naman sa pag pitch ng tent, hanggang 5pm lang daw po yung tent sa beach.
  • Advised talaga na magdala na ng lulutuin na foods bago pumunta ng tingloy. Wala kasing bilihan ng gulay/karne sa Masasa pero isda meron daw, mga bagong huli sa umaga 🙂
  • At syempre enjoyin at maging masaya. Kaya nga nagtravel para takasan mga badvibes sa Manila 😉

ITINERARY

DAY 1

  • 3:00AM – Bus departure from Cubao to Batangas
  • 6:00AM – Jeep departure from Grand Terminal to Anilao Port
  • 7:00 to 7:30AM – Arrival at Anilao port / mamalengke ng pagkain sa port
  • 8:00AM – Boat registration and pay environmental fee
  • 8:30AM – Boat departure to Tingloy
  • 9:30AM – Arrival at Tingloy / tricycle ride to Masasa
  • 10:00AM – Arrival and check in at Ate Elvie’s house
  • 11:30AM to 12:30PM – Lunch time
  • 12:30PM – Rest time, Nap time, ayos gamit, chill
  • 2:00PM to 5:00PM – Activities (Picture taking, gala sa beach, swim, tambay sa dagat, visit lagoon, snorkeling)
  • 6:00PM – Sunset watching
  • 7:00PM – Dinner
  • 8:00PM to 9:00PM – Chill sa beach / stargazing
  • 10:00PM – Sleep time / Lights off

DAY 2

  • 5:30AM – Wake up
  • 6:00AM – Breakfast
  • 7:00AM to 10:00AM – Gala sa isla, swim, chill sa beach, picture taking pa
  • 10:30AM – Bili souvenirs
  • 11:00AM – Lakas pabalik to Ate Elvie’s house / Wash / Ayos ng gamit
  • 12:00PM – Pahinga saglit
  • 12:30PM – Check out at Ate Elvie’s
  • 1:00PM – Tricycle from Masasa to Tingloy
  • 1:30PM – Boat departure from Tingloy to Anilao (last trip)
  • 2:30PM – Jeep departure from Anilao to Grand Terminal
  • 3:30PM – Bus departure from Grand Terminal to Cubao
  • 9:00PM – Expected arrival at Cubao (with traffic)

EXPENSES

  • Bus from Cubao to Batangas Grand Terminal : Php140
  • Jeepney From Grand Terminal to Anilao : Php30
  • Environmental Fee : Php30
  • Boat Fare (Anilao to Tingloy) : Php80
  • Tricycle from Tingloy to Masasa : Php35
  • Ate Elvie’s home stay : Php250/night
  • Tricycle pabalik Tingloy : Php35
  • Boat Fare (Tingloy to Anilao) : Php80
  • Jeepney pabalik from Anilao to Grand Terminal : Php40
  • Bus Fare pabalik : Php170

TOTAL : PHP 890

ADDITIONAL:

  • Ambagan sa food namin : Php150
  • Snorkeling : Php100
  • Island Hopping Fee : Php300 per person / 2 island

TOTAL : PHP 1,140 /  PHP1,440 if nag island hopping

If you have questions about this trip, feel free to comment below. Or contact niyo na lang ako sa iba kong accounts 🙂


FOLLOW ME ON

FacebookInstagram  |  Tumblr |  Twitter

Advertisements

2 thoughts on “TINGLOY ISLAND 2017

  1. hello po meron kang contak no ni ate elvie 🙂 planning this april 8 🙂 thanks sa blog and IT 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s